HomeCelebritiesListahan ng mga kilalang personalidad na diumano'y sangkot sa Wilbert Tolentino x...

Listahan ng mga kilalang personalidad na diumano’y sangkot sa Wilbert Tolentino x Zeinab Harake issue

Maituturing na pinakamalaking isyu ngayong taon sa social media ang alitan sa pagitan ng talent manager na si Wilbert Tolentino at internet celebrity na si Zeinab Harake.

Ito’y dahil sa madami ang nadamay na mga personalidad sa naging rebelasyon ni Wilbert nitong Linggo.

Hindi basta basta ang mga pangalan na binanggit ni Wilbert na diumano’y pinagsalitaan ng masama ni Zeinab dahil ang karamihan dito ay mayroong milyon milyong followers sa social media.

screencap 2022 10 23 at 10.03.43 PM

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu matapos magparinigan si Zeinab at Wilbert sa social media na naging dahilan upang magtalo ang mga fans nila.

Pinaniniwalaan na ang naging dahilan ng pagpaparinigan ng dalawa ay ang pakikipagkita ni Wilbert kay Aira Mae Lipata na diumano’y dahilan ng hiwalayan ni Zeinab at ng kanyang ex-boyfriend na si Skusta Clee.

screencap 2022 10 24 at 4.15.46 AM
Aira Lipata at Wilbert Tolentino

Dahil dito ay ibinahagi ni Wilbert sa isang video ang ilan sa mga private conversation nila ni Zeinab kung saan makikita ang mga diumano’y masasamang mga sinabi ng internet celebrity sa mga kapwa niya sikat na personalidad sa internet.

Tinawag namang kasinungalingan ni Zeinab ang mga sinabi ni Wilbert laban sa kanya.

Humingi naman ng paumanhin ang internet celebrity sa mga nadamay na personalidad.

screencap 2022 10 23 at 10.04.00 PM

Eto ang listahan ng mga personalidad na sangkot sa nasabing isyu:

  • Wilbert Tolentino
  • Zeinab Harake
  • Toni Fowler
  • Sachzna Laparan
  • Whamoscruz
  • Hungry Boss PH (Star Artist Management)
  • Ivana Alawi
  • Alex Gonzaga Official-
  • Jelai Andres
  • Robi Domingo
  • Sanya Lopez
  • Madam inutz
  • Herlene Hipon Budol
  • Angelica Jane Yap
  • Donnalyn Bartolome
  • Camille Trinidad
  • Jayzam Manabat
  • Skusta Clee

Ilan sa mga nabanggit na personalidad ay nagsalita na, ngunit tila malabo na matapos agad ang isyu dahil sa dami ng mga nabanggit diumano ni Zeinab.

Sa ngayon ay nagbigay na ng kanilang pahayag sina Toni, Sachzna, Whamos at Hungry Boss PH.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular