Home Celebrities Isang abogado, ipinagtanggol ang pagkakapili kay ex-PNP chief Camilo Cascolan bilang DOH undersecretary

Isang abogado, ipinagtanggol ang pagkakapili kay ex-PNP chief Camilo Cascolan bilang DOH undersecretary

0

Ipinagtanggol ni Deputy City Prosecutor Darwin Cañete ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating PNP chief Camilo “Pikoy” Cascolan bilang Department of Health (DOH) Undersecretary.

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media ang pagkakatalaga ni Cascolan sa DOH kahit na hindi pagiging doktor ang propesyon nito.

Ngunit ayon kay Cañete ay pasok sa kwalipikasyon si Cascolan sa nasabing posisyon.

“Usec Cascolan will be running an administrative office. He has a Master’s Degree in Public Administration. He ran an entire organization called the PNP. The Usec of the DOH is not expected to perform surgery. So bakit duktor hinahanap niyo?” ani Canete.

screencap 2022 10 24 at 3.58.11 AM
Larawan mula kay Atty. Darwin Cañete/FB

Ito rin ang paniwala ni Cascolan na sinabi na hindi naman kailangan na maging doktor para makapagtrabaho siya ng maayos sa DOH.

I’m not a doctor but one doesn’t need to be a doctor to be assigned in DOH. Administration and management will always be a part of every department in government and I believe I will be of big help in this area. What’s important is the government’s program is implemented with the directive of the OIC Sec. DOH,” aniya.

Ngunit hindi kumbinsido ang ilang kritiko at sinabi na kailangan ay isang medical expert ang maging parte ng DOH.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacañang tungkol sa isyu.

Facebook Comments