HomeSocial MediaWilkins Villanueva may mensahe matapos palitan bilang PDEA chief: "I am blessed...

Wilkins Villanueva may mensahe matapos palitan bilang PDEA chief: “I am blessed to have been given the opportunity to serve”

Nagbigay ng kanyang mensahe ang outgoing PDEA director-general na si Wilkins Villanueva matapos siyang mapalitan bilang pinuno ng nasabing ahensya.

Sa kanyang Facebook post, inanunsyo ni Villanueva ang kanyang pagre-retiro matapos ang dalawang dekada niyang pagseserbisyo sa bayan at paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

“I am blessed to have been given the opportunity to serve in various capacities from my humble beginnings as a junior officer of the Philippine Constabulary until the transition to the Philippine National Police and eventually my career move to hang my Police uniform in favor of a full-time career as one of the pioneering Directors of the PDEA,” ani Villanueva.

Nagpasalamat si Villanueva kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nag-appoint sa kanya bilang pinuno ng PDEA.

Hindi rin nito nakalimutan na magpasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapagsilbi sa ilalim ng administrasyon nito.

Ipagpapatuloy naman ni Villanueva ang kanyang adhikain sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot bilang isang pribadong mamamayan.

“Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa ating pambansang kampanya kontra iligal na droga.” aniya.

Matatandaan na pinalitan si Villanueva ni dating PNP-SAF Commander Moro Virgilio Lazo.

Nangyari ang pagpapalit ilang araw matapos mahuli ng PDEA ang anak ni Justice Sec. Boying Remulla.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular