HomeSocial MediaVirgin Island sa Panglao, malinis na mula sa mga vendor ilang buwan...

Virgin Island sa Panglao, malinis na mula sa mga vendor ilang buwan matapos ang ‘overpricing’ issue doon

Patuloy na nasusunod ang kautusan ng LGU ng Panglao, Bohol na nagbabawal sa kahit sinong indibidwal na magtinda ng seafood sa Virgin Island.

Matapos ang mahigit sampung linggo ay binalikan namin ang kontrobersyal na isla na matatandaang nag-viral sa social media matapos masingil ng mahigit P26,000 ang isang grupo ng mga turista para sa kanilang pananghalian sa nasabing isla.

Dahil sa nasabing insidente ay ipinagbawal na ng Panglao LGU ang pagtitinda sa nasabing lugar.

panglao island overprice scaled

Nitong Oktubre 22 ay makikita sa ilang post ng mga turista sa Virgin Island na wala na ang mga nakahambalang na seafood stall doon.

Malayong malayo ito sa kalagayan noon ng nasabing isla na nagmistulang palengke ng ilang taon.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) ay hindi nila pinabayaan ang mga naapektuhang seafood vendor.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng DOT na 34 na mga apektadong vendor ang dumaan sa isang training course upang hindi na maulit ang nasabing insidente.

Parte ng seminar ang mga pundasyon ng pagiging isang mabuting Pilipino na tinawag na: “Makamay-likha, Makatao, Makakalikasan, Makabansa, Masayahin, May Bayanihan and May Pag-asa,”

“These are basic values that we, Filipinos, live in our daily lives. By bringing it into our encounters with clients, we help enable respect for the Creator, environment-awareness, cordiality, helpfulness and politeness, love of country and hopefulness,” ani Tourism Secretary Christina Frasco.

Ilang mga turista naman ang mas nagustuhan ang kasalukuyang lagay ng Virgin Island.

Nangako naman ang LGU ng Panglao na patuloy na ipatutupad ang kanilang utos na pagbabawal sa mga vendor sa nasabing lugar.

READ MORE: Mga vendor hindi na makakabalik ng permanente sa Virgin Island, Panglao kung saan nasingil ang P26,000 ang isang grupo

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular