HomeCelebritiesVice Ganda, hindi payagan na dumalo sa Grand Finals ng Miss Q...

Vice Ganda, hindi payagan na dumalo sa Grand Finals ng Miss Q and A: “Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit”

Inamin ni Vice Ganda na hindi nito napigilan na maiyak matapos itong hindi makadalo sa grand finals ng Miss Q & A:Kween of the Multibeks. na isa sa mga segment ng noontime show na It’s Showtime.

Sa kanyang tweet, ipinaalam ni Vice na hindi siya pinayagan na makadalo sa nasabing segment dahil sa isang rason.

Ayon sa kanya ay hindi niya hiniling na ipagpaliban pa ang finals ng Miss Q & A at itapat sa araw na pasok sa kanyang schedule.

“Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po!” ani Vice.

Inamin naman ni Vice na “masakit” para sa kanya ang hindi makadalo sa nasabing segment lalo na’t importante sa kanya ang Miss Q & A.

“Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko,” sabi pa niya.

Hindi naman ibinunyag ni Vice kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi siya pinayagan na dumalo sa nasabing segment.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular