HomeCelebritiesMiss Q&A Grand Winner Anne Patricia Lorenzo may hugot: 'Nagiging t*nga tayo...

Miss Q&A Grand Winner Anne Patricia Lorenzo may hugot: ‘Nagiging t*nga tayo sa pagpili ng pinuno!’

Nakakuha ng sari-saring reaksyon sa social media ang naging sagot ng Miss Q and A: Kween of the Multibeks Grand Winner Anne Patricia Lorenzo.

Sa nasabing patimpalak nitong Oktubre 22, tinanong si Lorenzo kung naniniwala ba siya na mayroong taong t*ng* na agad agad namang nabigyan ng sagot ng grand winner.

Paliwanag niya ay naniniwala siya na mayroong mga ganoong klaseng tao lalo na’t nakita niya kung paano pumili ng lider ng bansa ang mga Pilipino.

Eto ang buong sagot ni Lorenzo:

“I believe Oo naniniwala akong may tong tanga, bakit, dahil sinasadva niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kong ano ang tama at mali.

“Nilikha tayong matalino pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa Sitwasyong na kailangan naman nila at kayang-koya nilang maging matalino.

“Tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan. Nagging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan pero nagpapadala parin tayo sa mga matatamis na mga salita at yan ang pagkakataong may taong tanga. And I Thank You!!!”

Naniniwala ang mga netizens na ang prangkang sagot ni Lorenzo ang naging dahilan upang siya ang tanghalin na grand winner ng Miss Q & A.

Hindi naman malaman kung sino nga ba ang pinapatamaan ni Lorenzo ngunit may ilan na naniniwala na ang sinasabi nitong lider na may ‘kredibilidad’ na hindi pinili ng taumbayan ay si dating Vice President Leni Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular