HomeCelebritiesJoey de Leon, kinamusta si Ruby Rodriguez: "Marunong ka pa mag-tagalog?"

Joey de Leon, kinamusta si Ruby Rodriguez: “Marunong ka pa mag-tagalog?”

Hindi nakalimutan ng dating Eat Bulaga Dabarkads na si Ruby Rodriguez na batiin ng maligayang kaarawan ang dati niyang kasamahan sa nasabing noontime show na si  Joey de Leon.

Nitong Oktubre 14 ipinagdiwang ni Joey ang kanyang ika-76 na kaarawan at isa si Ruby sa mga bumati sa tinaguriang ‘Henyo Master’.

“Kilala mo pa ba ako?” tanong ni Ruby kay Joey.

joey ruby 2

Agad naman nagbigay ng tugon ang komedyante kay Ruby na kasalukuyan ng naninirahan ngayon sa Los Angeles, California.

“How are you na? Marunong ka pa mag-Tagalog? Magkikita rin tayo at isang lipad lang naman yan! Hello na lang to Mark, Toni and AJ! Love you!” aniya.

Umaasa naman si Ruby na magkikita pa sila ni Joey.

joey ruby 3

Matatandaan na hindi naging maayos ang pag-alis ni Ruby sa Eat Bulaga.

Ayon kay Ruby ay ang kanyang orihinal na plano lamang niya noong 2021 ay mag leave of absence upang alagaan ang kanyang anak na mayroong karamdaman.

Ngunit tila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Ruby at ng management ng Eat Bulaga kaya’t hindi na ito nakabalik.

Dahil dito ay hindi naiwasan ng komedyante na mag-bigay noon ng pahayag tungkol sa tila hindi pagbibigay importansya sa kanya ng noontime show na naging parte siya ng 30 na taon.

READ MORE: Ruby Rodriguez, ibinahagi ang pagka alis niya sa Eat Bulaga makalipas ng 30 na taon: “Walang pagpapahalaga ba”

“Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit. Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I’ve been with you for 31 years and just like that.” ani Ruby.

“I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular