HomeCelebritiesVhong Navarro, posibleng maubos ang naipon dahil sa kasong kinakaharap nito ayon...

Vhong Navarro, posibleng maubos ang naipon dahil sa kasong kinakaharap nito ayon kay Cristy Fermin

Naniniwala ang ilang netizens at ang kolumnista na si Cristy Fermin na posibleng maubos ang ipon ng aktor na si Vhong Navarro dahil sa kinakaharap nitong kaso.

Sa kanyang programa na ‘Showbiz Now Na’, pumabor si Cristy sa ilang komento tungkol sa posibleng kaharapin na problemang pinansyal ni Vhong.

Ayon kasi sa kolumnista ay wala ng pinagkakakitaan ngayon si Vhong dahil nakapiit ito habang nililitis ang kaso laban sa kanya.

“Alam mo, ang daming nag-iintindi dito. Hindi lang dahil sa kasiguruhan ng magiging posisyon ni Vhong Navarro dito, kundi ‘yung lahat daw ng naiipon niya, kasi wala na siyang kinikita ngayon, wala na siyang programa, wala na siyang trabaho. Lahat daw ng naiipon niya ay masusunog, mawawala dahil dito sa kasong ito.” aniya.

Naniniwala naman ang co-host ni Cristy na si Morly Alinio na makapangyarihan ang mga kalaban ni Vhong kaya’t kayang kaya nila na dalhin ang demandahan ng pangmatagalan.

“Dahil ‘yung mga nakalaban niya, mga milyonaryo ‘to, Ate Cristy. Kumbaga, mahaba ang pisi. Kung gaano man kahaba ang tatakbuhin ninyo, may pera ‘tong ilalabas. Si Vhong, artista may pera… Pero hanggang saan? Hanggang kailan?” tanong ng co-host.

“Kasi isipin mo, wala kang trabaho. Ikaw ay pinagdamutan ng pagkakataon na kumita. Magkano ang isang abogado ngayon? Acceptance fee, tapos ‘yung pagka dumadalo kayo sa hearing, malaki rin ang kabayaran.” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular