HomeNetizen's VoiceNetizen na dating anti-Marcos, ipinaliwanag kung bakit isa na siya ngayong Pro-BBM:...

Netizen na dating anti-Marcos, ipinaliwanag kung bakit isa na siya ngayong Pro-BBM: “Nagbabago nga kayo ng jowa”

Isang Pro-Bongbong Marcos blogger ang binabatikos ngayon sa social media matapos maungkat ang kanyang lumang post laban kay dating unang ginang Imelda Marcos.

Ang nasabing blogger na si Thea Tan ay hindi nakaiwas sa pagkwestiyon ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo dahil sa paglipat nito ng suporta kay Marcos.

Nitong Oktubre 16 ay inungkat ng ilang ‘Kakampink’ ang post ni Tan noong 2013 kung saan ay kinuwestiyon niya ang mga Pilipino na patuloy na bumoboto sa katulad ng mga Marcos.

“Same old faces, same old farces. Have we reached a consensus accepting incompetence, corruption, and nepotism as part of our tradition? Electing the same names into office seems to be the norm in the Philippines.” sabi ni Tan sa kanyang lumang post.

“Do we let the sons and daughters of a dictator and old-timer politicians lead us because “change” is such a radical and incomprehensible concept to think of?” dagdag pa niya.

thea 1

Sa parehong araw ay itinanggi ni Tan sa kanyang mga kritiko na binayaran siya para lumipat ng suporta sa mga Marcos.

Ayon sa kanya ay kusang loob siyang sumuporta sa mga Marcos matapos ang kanyang ‘research’ tungkol sa nasabing pamilya.

“Lugawnatics don’t understand why I changed my mind from being an anti-Marcos to BBM’s supporter and voter. What’s so hard to understand about that, especially when I have done my due diligence and can argue and defend my position publicly?” ani Tan.

“These trolls think uniformly so whatever’s fed to them, they parrot without thinking. Nagbabago nga kayo ng jowa, trabaho, plano sa buhay, at nagpapa-annul tapos hindi nyo naiintindihan ang pagbabago ng isip about the Marcoses ng mga open-minded at nag-research?”
dagdag pa niya.

screencap 2022 10 22 at 1.59.34 AM
Larawan ng post mula kay Thea Tan/FB

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 2,000 reactions ang nasabing post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular