HomeCelebritiesLigtas sa boycott! Toni Gonzaga, parte parin ng Shopee bilang brand ambassador...

Ligtas sa boycott! Toni Gonzaga, parte parin ng Shopee bilang brand ambassador nila

Itinanggi ng Shopee Philippines ang ilang balita na kumakalat sa social media na tinanggal na nila na endorser si Toni Gonzaga matapos ang sampung araw na display period nito.

Sa inilabas nilang pahayag, sinabi ng nasabing e-commerce company na parte parin si Toni ng kanilang listahan ng mga brand ambassadors.

Ito’y sa kabila ng pakiusap ng mga ‘Kakampink’ na tanggalin na si Toni bilang endorser ng kanilang brand dahil sa pagsuporta nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“She is still part of our diverse roster of ambassadors,” sabi ng nasabing kumpanya sa Inquirer.

Ngunit ayon sa kanila ay i-aanunsyo na ng Shopee ang kanilang magiging susunod na brand ambassador para sa 11.11 sale.

“For the next several days or so, Shopee PH will reveal the brand ambassador for their 11.11 season sale,” sabi pa sa nasabing ulat.

Matatandaan na inulan ng sari-saring reaksyon ang pagkuha kay Toni bilang endorser.

Hindi naman maikakaila na nakakuha ng matinding publicity ang pagkuha sa aktres bilang brand ambassador lalo na sa Twitter.

Nagpasalamat naman si Toni sa ‘engagements’ na ibinigay sa kanya ng mga netizens.

READ MORE: Unbothered! Toni Gonzaga nagpasalamat sa mga netizen sa gitna ng planong boycott sa ineendorso niyang brand

“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements,” ani Toni.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular