Home Social Media ‘Lalaking Cinderella’ na isang opisyal na huling binatikos ni Percy Lapid, itinuturong suspek ng ilang netizens

‘Lalaking Cinderella’ na isang opisyal na huling binatikos ni Percy Lapid, itinuturong suspek ng ilang netizens

0

Ilang netizen ang may nakitang bagong motibo sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Nitong Septyembre 6, halos isang buwan bago masawi si Lapid ay may binatikos itong isang opisyal na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Tinawag niyang ‘Lalaking Cinderella’ ang nasabing opisyal dahil diumano’y bago ito na-appoint sa nasabing posisyon sa ilalim ng DOJ ay mahirap lamang ito.

Ngunit ayon kay Lapid ay biglang yumaman ang nasabing opisyal at nagkamal ng napakadaming sasakyan.

Ipinakita pa ni Lapid sa isang video ang mga nakaparada diumanong sasakyan ng ‘Lalaking Cinderella’ sa isang exclusive subdivision sa Laguna.

Ayon kay Lapid ay nasa 11 ang sasakyan ng nasabing opisyal na ang ilan ay maituturing na luxury car.

Appointee diumano ang opisyal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tinatawag na ‘Digongyo’ ni Lapid.

Samantala ay pinatawan naman ng preventive suspension si Bureau of Corrections Director Gerald Bantag dahil sa pagkasawi ng itinuturong ‘middleman’ sa nangyari kay Lapid.

Ang BuCor ay nasa ilalim ng DOJ.

Itinaggi naman ni Bantag na may kinalaman siya sa nangyari kay Lapid.

Tanggap naman diumano ng opisyal ang naging desisyon na alisin muna siya sa loob ng tatlong buwan habang gumugulong ang imbestigasyon sa nangyari kay Lapid.

Facebook Comments