Ikinatuwa ng mga ‘Kakampink’ ang pagkakapili ng online shopping app na Lazada sa aktres na si Anne Curtis bilang susunod nilang endorser.
Sa isang post, makikita na teaser pa lamang ang ipinakita ng nasabing online shopping app para sa susunod nilang endorser para sa kanilang ‘Biggest Sale’ sa darating na Nobyembre 11 hanggang 13.
Ngunit agad na nahulaan ng mga netizens na si Anne ang endorser dahil sa labi nito.
So Anne Curtis switched from Shopee to Lazada! ANNEtaray! 🔥 https://t.co/ZCnO5sRS0u
— Queen Chiu 👑 (@kimchiuthequeen) October 21, 2022
“Yung ibang companies SUPER DOWNGRADE SA ENDORSER! Na’bankrupt tuloy… GO ANNE CURTIS! WELCOME TO LAZADA.” sabi ni netizen @nejenVD.
“Had I known na prang Kakampinks halos lahat ng endorsers ng Lazada, sana d nako nag order sa Shopee ever hahaha,” sabi ni @paolomiguel94.
Hindi naman malaman kung eto ba ang aksyon ng nasabing online shop app laban sa kanilang karibal na brand na kinuha namang endorser si Toni Gonzaga.
Matatandaan na si Toni ay isa namang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalaban nitong nakaraang halalan ni dating Vice President Leni Robredo na sinuportahan ni Anne.
Si Anne ang unang brand ambassador ng Shopee noong 2018.