HomeSocial MediaDalawang lalaki, nagsapakan sa loob ng isang sikat na fast food restaurant...

Dalawang lalaki, nagsapakan sa loob ng isang sikat na fast food restaurant dahil sa agawan sa lamesa

Tila nagdulot ng init ng ulo ang gutom ng dalawang lalaki sa isang fast food restaurant sa isang mall sa Tanza, Cavite matapos silang magsapakan dahil sa agawan ng lamesa.

Sa larawan na ibinahagi ng isang concerned netizen, makikita ang engkwentro ng dalawang lalaki na inaawat ng mga guwardya dahil sa patuloy nilang pagtatalo.

Habang hinahatid palabas ang dalawa ay bigla na lamang nagsapakan ang mga ito.

Bigo naman silang maawat ng guwardya na naghahatid sa kanila at kinailangan pa silang awatin ng iba pang security personnel na nasa loob ng fast food restaurant.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na magbigay ng kanilang reaksyon sa nangyari.

“Yan mahirap Kasi lagi inuuna init Ng ulo Hindi nila naiisip Yung kahihiyan na sa pakikipag away lage… Hindi purkit matapang mananakit agad,” sabi ni netizen Anne Culanag.

“Maipagmammalaki nio Yan sa mga anak nio.at mgging apo nio…. History…” wika ni Kathyrine.

May isa namang netizen ang tila naiintindihan ang problema ng dalawang lalaki.

“Meron kasing customer dian hindi umaalis sa lamesa kahit tapos na kumain ng mamarites pa kahit alam na maraming tao ng hihintay sa bakante,” sabi ni Rey Mabeza.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular