HomeCelebritiesWashing Machine na ine-endorso ni Toni Gonzaga, sunod na target na i-boycott...

Washing Machine na ine-endorso ni Toni Gonzaga, sunod na target na i-boycott ng mga netizens

Maliban sa isang sikat na online store app ay mayroon nanaman diumanong susunod na ibo-boycott ang mga Kakampink na brand na ine-endorso ng television host at aktres na si Toni Gonzaga.

Nag trending sa social media ang home appliances brand na Eureka matapos nitong i-anunsyo na si Toni ang kanilang bagong endorser.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens kasama na ang mga ‘Kakampink’ na manawagan ng ‘boycott’ sa nasabing brand.

“Guys, let’s add another one to BOYCOTT. EUREKA HOME APPLIANCES Gusto rin ata nyang ma-experience ang dinanas ng ShoppeePH.” sabi ni netizen @datumx11.

screencap 2022 10 21 at 1.21.49 AM

Bad publicity is still publicity.” But remember, EUREKA, bad publicity negatively affects sales. SHOPEE learned that the hard way.” tweet ni @DKSHiee.

screencap 2022 10 21 at 1.23.33 AM

Matatandaan na noong una ay ang aktres na si Anne Curtis ang endorser ng Eureka at ang laging makikita ang mukha nito sa mga washing machine na ibinebenta ng nasabing brand.

eureka washing 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing brand tungkol sa pambabatikos na natanggap nila mula sa mga kritiko ni Toni.

Nag-umpisa ang pambabatikos kay Toni dahil sa pagsuporta nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang halalan.

Tila epektibo naman ang naging endorsement ni Toni kay Marcos dahil sa tinambakan nito ang katunggali niya na si dating Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular