HomeCelebritiesSen. Robin Padilla, napaisip kung bakit may sikat ang Korean Drama: "Mas...

Sen. Robin Padilla, napaisip kung bakit may sikat ang Korean Drama: “Mas pogi naman kami!”

Nagtataka ang aktor at senador na si Robin Padilla kung bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga Korean Dramas kaysa sa mga programa na gawa sa kanilang sariling bansa.

Sa budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), tinanong ni Padilla si FDCP Chairman Tirso Cruz III kung bakit mas gusto na ng mga Pilipino ngayon ang mga Koreano kaysa sa mga local artist.

Pabiro pang sinabi ng senador na mas ‘gwapo’ naman sila kaysa sa mga Koreano.

Hindi rin diumano dumaan sa retoke ang mga aktor sa Pilipinas na kabaliktaran naman sa Korea kung saan talamak ang “Salamat po, Dok”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)

“Kami po ay naguguluhan dahil kapag tumitingin naman kami sa salamin… mas pogi naman kami sa mga tiga-South Korea. Wala naman inayos sa amin, kasi itong ilong ko kahit suntukin nang ilang beses, walang inayos dito,” ani Padilla.

Naniniwala naman si Padilla na dapat ay mas taasan ang taripa para sa mga foreign series na ipinapalabas sa bansa upang matulungan ang lokal na industriya.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang nasabing hearing dahil narin sa naging pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada na iminungkahi na ipagbawal ng tuluyan ang pagpapalabas ng Koreanovela sa Pilipinas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular