HomeSocial MediaRudy Baldwin, nahulaan nga ba ang pagguho ng Wawa Bridge sa Pangasinan

Rudy Baldwin, nahulaan nga ba ang pagguho ng Wawa Bridge sa Pangasinan

Hindi maitago ng ilang netizens ang pagkakilabot matapos tila magkatotoo ang hula ng internet manghuhula na si Rudy Baldwin.

Ito’y matapos mapabalita ang pagguho ng bahagi ng Wawa Bridge sa Bayambang, Pangasinan nitong Oktubre 20.

Dalawa ang naospital sa nasabing insidente habang dalawang trak naman ang bumagsak kasama ng tulay.

wawa bridge 1

Naalala naman bigla ng mga netizens ang naging hula ni Baldwin noong Oktubre 31, 2020 kung saan ay binanggit niya ang tulay na diumano’y guguho sa Pangasinan.

“NAKIKITA KO SA VISION KO NA ISANG KILALANG TULAY SA PANGASINAN ANG MASISIRA ,ISANG BAHAGI NITO AY LULUBOG AT GUGUHO.” ani Baldwin.

Binanggit din ni Baldwin na ‘lindol’ ang magiging dahilan ng pagguho ng tulay.

screencap 2022 10 21 at 2.42.48 AM

Wala naman naiulat na lindol sa Pangasinan noong mga oras na gumuho ang Wawa Bridge na itinayo noong early 1990s.

Sa ngayon ay wala pang sinasabing dahilan ang LGU ng Pangasinan o ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung bakit gumuho ang nasabing tulay.

Ilang netizens naman ang pinaniniwalaan na maaring hindi pasok sa weight limit ang dumaang mga trak sa tulay.

Ayon sa ilang taga Pangasinan ay hanggang 20 tons lamang ang bigat ng sasakyan na maaring dumaan sa nasabing tulay.

Huling tinignan ng mga miyembro ng DPWH ang tulay noong Hulyo 2022 matapos ang nangyaring lindol.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular