HomeCelebritiesRapper na si Skusta Clee, pinabura na ang kanyang 'Zeinab' tattoo

Rapper na si Skusta Clee, pinabura na ang kanyang ‘Zeinab’ tattoo

Ibinahagi sa social media ng kontrobersyal na rapper na si Skusta Clee na permanente niya ng binura ang tattoo niya na hango sa pangalan ng kanyang dating partner na si Zeinab Harake.

Nakalagay ang nasabing tattoo sa likod ng kanyang tainga.

skusta 1
Larawan mula sa Pilipinas Trending/FB

Sa kanyang Instagram story, mapapansin na wala na ang tattoo na Zeinab ngunit makikita naman na inilagay ng rapper ang pangalan ng kanyang anak na si ‘BIA’ sa kanyang batok.

Ang tattoo na may pangalang Zeinab ay napalitan ng tattoo na tila hango sa balahibo ng ibon.

skusta 2
Larawan mula kay Skusta Clee/Instagram (@extraordinaryl)

Matatandaan na nitong Mayo 2022 ay ibinahagi ni Zeinab na nakipaghiwalay na siya kay Skusta dahil diumano sa pambababae ng rapper.

“Nakunan ako, nagburol ako ng baby ko, nilibing ’yung baby ko, mag-isa lang ako,” kwento ni Zeinab sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.

“Talagang dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kaniya. Alam niyang buntis ako kay Moon. Hirap po talaga ‘yung pagbubuntis ko kay Moon. Nagmamakaawa ako na huwag niya akong iiwan kasi lagi niya akong iniiwan sa bahay.” dagdag niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Dahil sa rebelasyon ni Zeinab ay inulan ng batikos sa social media si Skusta kasama na rin ang diumano’y rumored girlfriend nito na si Aira Mae Lipata.

Ilang video sa social media ang makikita na kahit ang mga nanonood sa kanyang mga concert ay hindi maiwasan na batikusin ang rapper sa gitna ng mga performance nito.

Hindi naman ito kinumpirma ni Skusta kung totoo nga ba na nambabae siya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular