HomeCelebritiesNetizens, hindi ikinatuwa ang pag-censor sa sagot ng cosplayer na si Bunjaa...

Netizens, hindi ikinatuwa ang pag-censor sa sagot ng cosplayer na si Bunjaa sa family feud

Hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang naging desisyon ng programang ‘Family Feud’ matapos nilang i-censor ang isa sa mga sagot ng kanilang contestant.

Nitong nakaraang Wednesday episode ay mga cosplayer ang nagtagisan ng galing sa nasabing programa kung saan ay nakasama ang internet celebrity na si Bunjaa bilang contestant.

Nag-viral naman sa social media ang sagot ni Bunjaa sa jackpot round na ang katangungan ay tungkol sa parte ng katawan na nag-uumpisa sa letrang T.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buunja (@buunjaofc)

Agad namang sumagot si Bunjaa ngunit tinakpan ang kanyang bibig at hindi ipinarinig sa mga audience ang nasabing sagot nito.

Maraming netizen naman ang agad na nakahula kung ano ang sinagot ni Bunjaa at ang ilan sa kanila ay dismayado dahil sa hindi naman diumano kailangan i-censor ang nasabing salita.

Ikinagulat din nila na hindi kasama sa nasabing survey ang isinagot ni Bunjaa.

“Why was it censored? Tama naman sagot, body part in Pilipino. I’m sure di zero sa survey yan. Yun mismo survey nacensored din.” sabi ni @LizButMore.

“Bakit censored? Eh tama naman answer. Parang kinakahiya natin sarili nating language. Hahaha! Top answer ba un? Lols,” wika ni @alex_9265.

Samantala ay nagbigay ng pahayag ang manunulat na si Jerry Grácio tungkol sa nasabing episode kung saan sinisi niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa nasabing censorship.

“Kasalanan ng MTRCB with their backward prudishness & misplaced values. Dapat talaga, i-abolish na ang agency na ‘yan.” sabi ni Grácio.

Pinuri naman ng ilang netizens si Dingdong dahil sa naging propesyonal ito sa gitna ng kasagutan ni Bunjaa.

Wala pang pahayag ang family feud sa nasabing insidente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular