HomeCelebritiesNetizens, binalikan ang isyu ng diumano'y pagtataksil ni Anthony Leodones kay Jamie...

Netizens, binalikan ang isyu ng diumano’y pagtataksil ni Anthony Leodones kay Jamie Bautista

Naging usap-usapan muli sa social media ang diumano’y pagtataksil ng content creator na si Anthony Leodones sa kanyang long-time partner na si Jamie Bautista.

Ito’y matapos batikusin ng influencer na si Andrea Angeles ang diumano’y pamamahiya ni Anthony kay Jamie.

Sa kanyang post, tinawag na ‘cheater’ ni Andrea si Anthony na pinalagan naman ng internet celebrity couple.

andrea angeles 1

Matatandaan na noong Mayo ay inamin ni Anthony sa kanyang proposal kay Jamie na nagkaroon nga siya ng pagkakamali noong 2017 habang sila ay nasa long distance relationship setup.

Apat na taon diumano itong itinago ni Anthony at pinili niya nalang itong aminin kay Jamie.

Pinatawad naman ni Jamie si Anthony, ngunit ilang netizens ang hindi ikinatuwa ang ginawa ng content creator.

anthony leodones 1
Larawan mula kay Anthony Leodones/FB

Eto ang ilan sa komento ng mga netizens tungkol sa nasabing isyu.

“Huy seryoso ant*ng* ni Toni Fowler on how she defended Anthony Leodones against Andrea eh totoo namang cheater at bodyshamer si guy. Pick a struggle nalang Toni Fowler between being an apologist and a jejemon cloutchaser on socmed. Si Jamie naman ket alam na lowkey binodyshame na siya dedma lang kase jowabels niya. Bat antatanga ng mga influencers nayan HAHAAHHAAHAHAHHA,” sabi ni Lovie Aguirre.

“Totoo naman cheater si anthony leodones ah hahaha ginawa ngang content. bat ka agagalit sa katotohanan jamie,” sabi ni @danahnaomi_.

“Ew why are people romanticizing the fact that anthony leodones cheated on his partner…….” komento ni @KarlaBiancca.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular