HomeSocial MediaItinuturong 'mastermind' sa nangyari kay Percy Lapid, misteryosong pumanaw sa loob ng...

Itinuturong ‘mastermind’ sa nangyari kay Percy Lapid, misteryosong pumanaw sa loob ng Bilibid

Tila mayroong bagong pagsubok na kinakaharap ang mga imbestigador na sinusubukang lutasin ang kaso ng nasawing mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito’y matapos misteryosong pumanaw ang itinuturong ‘mastermind’ na isang inmate sa Bilibid na itinuro nitong Oktubre 18 ng isa sa mga suspek na si Joel Escorial.

Matatandaan na sinabi ni Escorial na binayaran siya kasama pa ang lima niyang kasamahan ng halagang P550,000 upang patumbahin si Lapid.

Sa panayam sa kanya ng DZMM nitong Huwebes, ibinahagi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na pumanaw na ang 42-anyos na inmate sa Bilibid Hospital.

percy lapid 2

Sa ngayon ay isinasagawa na ang autopsy sa katawan ng pinaghihinalaang ‘mastermind’.

Ayon kay Remulla ay matagal ng mayroong sentensya ang nasabing inmate na may kinalaman sa kaso ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala ay naniniwala naman ang pamilya ng mamamahayag na hindi ‘mastermind’ ang nasabing inmate kundi isa lamang middle man.

Inamin naman ni Remulla na nalilito sila kung paano nakapag-utos ang pinaghihinalaang mastermind kila Escorial kung nasa loob ito ng Bilibid.

“Baka ito nga ‘yon e….We were a bit confused in the beginning and I was not told immediately.” aniya.

Nangako naman si Remulla na iimbestigahan mabuti ang nangyari.

READ MORE: Kapatid ni Percy Lapid, hindi kumbinsido na nasa Bilibid ang mastermind

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular