HomeCelebritiesChristopher de Leon, inamin na nalulong noon sa masamang bisyo: "Nawala na...

Christopher de Leon, inamin na nalulong noon sa masamang bisyo: “Nawala na ang Diyos sa akin!”

Sa unang pagkakataon ay inamin ng beteranong aktor na si Christopher de Leon na naranasan niya na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa isang panayam sa kanya ni Amy Austria, sinabi ni De Leon na nawala na ang “Diyos” sa kanya noong mga panahon na ‘yon at halos mapariwa na ang kanyang buhay.

Nangyari diumano ito noong kanyang kasikatan sa showbusiness kung saan ay tambak siya ng proyekto.

Ayon sa kanya ay marami siyang bisyo na nasubukan sa gitna noong mga panahon na ‘yon.

“Naging too confident ako with myself. I started enjoying and being happy where I was. Nalululong ako sa masamang bisyo,” ani Christopher.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bo de Leon (@sgt.pepper8)

“Because of the fame, success, you have all the money. Susuweldo ka today, call up the boys, call up the gang, ‘Let’s paint the town red!’ Excessive ako sa ganu’n,”  dagdag niya pa.

Inamin niya rin na lumaki ang kanyang ulo dahil sa sobra ang kasikatan niya noon.

“Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin. Naniniwala ako na gagawin ko ‘to para magawa ko ‘yan. Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan para makarating ako dito,” sabi pa ng aktor.

Ang kanyang pagiging pariwara ang naging dahilan upang iwanan siya ng kanyang asawa na si Sandy Andolong kasama ang mga anak nila.

sandy christopher.jpg
Larawan mula kay Christopher de Leon/Instagram

Dito diumano niya napagtanto na kailangan niyang magbago para sa kanyang asawa.

“Sandy left me with the kids. I was crying with my face to the floor. I had to give up. I had to say, ‘God save me.’ I was kneeling down. ‘God, help me. I want to stop.” kwento pa niya.

Sa kabutihang palad naman ay pinatawad siya ng kanyang asawa.

“And then bumalik na si Sandy. Sandy went to convent to pray not only for me, but to pray for what she is going through. Nothing is impossible with God,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular