Matapos ang ilang taon ay muling nagkita ang International Relations Expert na si Sass Rogando Sasot at Former Presidential Communications Undersecretary Mocha Uson.
Ibinahagi ni Atty. Darawin Cañete ang ilang larawan ng pagkikita ng dalawa kung saan ay makikita pa itong nagyakapan.
Tila senyales ito na nagkaayos na ang dalawa matapos ang ilang taon nilang hindi pagpapansinan simula ng magkaroon sila ng pagtatalo tungkol sa karapatan ng mga LGBTQIA+.
Nagbahagi naman ng isang mensahe si Sass sa parehong araw ng pagkikita nila ni Mocha.
“I have never been so tired and the same time so fulfilled in my life…Grabe today,” wika ng eksperto.
Matatandaan na kilalang magkaibigan noon si Sass at Mocha ngunit nagkalamat ang kanilang relasyon sa gitna ng usapin sa SOGIE bill.
Habang si Sass ay isa sa mga nagsusulong noon ng SOGIE ay kontra naman sa nasabing panukala sila Mocha.
“In these past three years, I have shown nothing but loyalty, empathy, generosity, and kindness to both of you, especially to your talent Mocha Uson. When you needed my help to defend Mocha, I was there unconditionally. I held her hand at a time she was about to break down as she was explaining her side to Senator Bong Go in June 2018. I took up the cudgels for her and turned the situation around for her.” sabi noon ni Sass kay Mocha.
Dahil dito ay pansamantalang nag quit sa political blogging si Sass.
Kasama rin nila lagi noon ang blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto.
Tinawag ng isang kolumnista na si Tonyo Cruz na “evil triad” ang pagkakaibigan noon ni Sass, Mocha at Thinking Pinoy na kung pagsasamahin ay mayroong milyon milyong followers sa social media.