HomeCelebritiesAno daw? PNP nilinaw na dalawa ang 'middleman' na hawak nila na...

Ano daw? PNP nilinaw na dalawa ang ‘middleman’ na hawak nila na nasa likod diumano ng pagkasawi ni Percy Lapid

Nilinaw ng mga otoridad na buhay pa ang isa sa mga pinaghihinalaang ‘middleman’ sa nangyari sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Matatandaan na sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla na pumanaw na ang nasabing inmate matapos itong makaranas ng hirap sa paghinga.

Ikinalungkot na pamilya Lapid ang nangyari sa nasabing inmate na hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang eksaktong dahilan ng pagpanaw.

READ MORE: Itinuturong ‘mastermind’ sa nangyari kay Percy Lapid, misteryosong pumanaw sa loob ng Bilibid

Ngunit sa isang pahayag, nilinaw ni Southern Police District Director Police Brigadier General Kirby Kraft na ang sinasabing nasawing inmate ni Remulla ay iba sa ‘middleman’ na hawak nila ngayon.

Ayon sa kanila ay buhay pa ang isa sa mga middleman na hawak ngayon ng BJMP.

“Sinecure natin… dalawa itong middle man. Ang isa ay nasa BJMP. Isa nasa Bilibid nag autopsy ngayon.” ani Kraft.

Wala pang pahayag ang pamilya ni Lapid sa tila nakakalitong detalye tungkol sa mga middleman.

Nitong Oktubre 18 itinuro ng isa sa mga suspek na si Joel Escorial na kasalukuyang nasa Bilibid ang nag-utos sa kanila na patumbahin si Lapid kapalit ang P550,000.

Sumuko naman si Escorial dahil sa takot na baka siya ay patahimikin din.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular