HomeSocial MediaTransgender, nagreklamo matapos hindi payagan na pumasok sa dressing room para sa...

Transgender, nagreklamo matapos hindi payagan na pumasok sa dressing room para sa mga babae

Hindi maitago ng isang transgender ang sama ng loob sa international clothing chain na Zara matapos siyang hindi pagbigyan na makapasok sa dressing room ng mga babae.

Sa kanyang kwento, ibinahagi ni Louis Marasigan na isang konsehal sa San Juan, Batangas ang kanyang sama ng loob sa mga empleyado ng nasabing clothing chain dahil sa sinabihan siya na sa dressing room para sa mga lalaki siya magsukat ng damit.

Mayroon kasi diumanong customer na nagreklamo sa kanya at ayaw siyang makagamit ng pambabaeng dressing room.

“May lumapit sa’king babae sabi ‘Sir, sa taas po kayo.’ Sabi ko, ‘Bakit po?’ Sabi niya kasi yung fitting room daw ng lalaki dun sa taas,” ani Marasigan.

Wala pang pahayag ang Taguig City Government na nagpapatupad ng anti-discrimination ordinance.

Hinihintay rin ng mga netizens ang magiging tugon ng Zara sa nasabing insidente.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang pahayag tungkol sa reklamo ni Marasigan.

“Exercising one’s rights has its own limit. You also need to respect other people’s rights. The world does not revolve around you. Natural women deserve the right to their own space & personal privacy, too.” sabi ni Yeng Banares.

“They have thier policy, the employees just followed what thier policy in the store..
Don’t blame them,” wika ni Mhee Guerrero.
Matatandaan na noong 2019 ay nagkaroon din ng halos kaparehong isyu kung saan hindi pinapasok ng pambabaeng comfort room ang transgender na si Gretchen Diez.
Dahil sa nangyari ay nagpatupad ang ilang establisyemento ng ‘gender-neutral restroom’.
Hindi naman malaman kung magkakaroon narin ba ng ‘gender-neutral’ na mga dressing room matapos ang insidente sa Zara.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular