HomeCelebritiesLolit Solis, pinaalis sa Professional Artist Managers Inc: "I admit to my...

Lolit Solis, pinaalis sa Professional Artist Managers Inc: “I admit to my mistake,”

Ibinunyag ng talent manager na si Lolit Solis na pinaalis na siya sa Professional Artist Managers Inc o PAMI matapos ang ilang buwan nitong pambabatikos sa aktres na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Lolit na wala siyang sama ng loob sa mga nasa likod ng PAMI at itinanggi niya na may kinalaman kay Bea Alonzo kung bakit siya natanggal sa nasabing grupo.

“Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa.

“Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI.

“I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako.” ani Lolit.

Matatandaan na nauna ng umalis sa PAMI si Kuan na manager ni Bea Alonzo.

Ibinunyag ni Kuan na si Lolit ang naging dahilan kung bakit siya umalis sa grupo dahil hindi niya na daw kayang makasama ang beteranong kolumnista

Tumanggi naman pumatol si Bea sa mga sinasabi ni Lolit dahil sa mayroon na itong karamdaman.

READ MORE: Bea Alonzo, hindi papatol kay Lolit Solis: “I will sincerely pray for her healing”

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular