HomeCelebritiesKapatid ni Percy Lapid, hindi kumbinsido na nasa Bilibid ang mastermind

Kapatid ni Percy Lapid, hindi kumbinsido na nasa Bilibid ang mastermind

Hindi kumbinsido ang kapatid ng nasawing mamamahayag na si Percy Lapid sa testimonya ng sumukong suspek na si Joel Escorial.

Nitong Oktubre 18, ibinahagi ni Escorial na ang nasa ‘mastermind’ sa likod ng pagkasawi ni Lapid ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa Bilibid.

Binayaran diumano sila at ng lima pa niyang kasamahan ng P550,000 bilang kapalit ng kanilang serbisyo.

screencap 2022 10 19 at 7.02.55 PM

Ngunit ayon sa kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa ay habang kumbinsido siya sa ilang sinabi ni Escorial ay hindi siya naniniwala na nasa loob ng Bilibid ang mastermind.

Ayon kay Mabasa ay maaring ‘middle man’ lamang ang nasabing mastermind sa loob ng Bilibid at maaring sumusunod lamang sa utos ng nakakataas sa kanya na nasa labas ng piitan.

Satisfied tayo so far, in as far as doon sa mga inihain niyang information sa atin,” sabi ni Mabasa sa panayam ng CNN Philippines.

Hindi naman ibinunyag ni Mabasa kung mayroon na ba silang pinaghihinalaan na tao na posibleng mastermind sa nangyari sa kanyang kapatid.

Sa isa pang pahayag ay hindi rin diumano ito nakakaramdam ng galit kay Escorial.

“Iba ‘yung nararamdaman ko. Parang hindi ako masyadong excited. Parang walang galit sa dibdib ko rito sa nakita kong suspek. For what reason I do not know. Baka nga mali,” aniya.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular