HomeCelebritiesKapamilya party-list, may tugon sa mungkahi ni Sen. Estrada na ipagbawal ang...

Kapamilya party-list, may tugon sa mungkahi ni Sen. Estrada na ipagbawal ang K-Drama: “Yung plunderers ang i-ban ninyo sa Senate.”

May tugon ang nominee na natalong Kapamilya party-list na si Jerry Grácio sa mungkahi ni Senador Jinggoy Estrada na ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean Drama sa Pilipinas.

Matatandaan na nitong Oktubre 18 ay naglabas ng pahayag si Estrada kung saan ay sinabi niya na mas mainam na tangkilikin ng mga Pilipino ang likha ng kapwa nila imbis na manood ng mga gawa ng banyaga.

“Ang aking obserbasyon pag patuloy tayo na nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino,” ani Jinggoy.

“Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon ay ang manunulat na si Grácio na hindi nagustuhan ang mungkahi ni Estrada.

Ayon kay Grácio ay imbis na alisin ang Korean Drama sa Pilipinas ay mas mainam na paramihin pa ang investment para sa showbiz industry sa bansa upang matapatan ang mga programa ng ibang bansa.

Tila may patama din ito kay Estrada.

“Paki-tigil-tigilan ang eme sa KDrama. Mag-invest kayo ng mas maraming pera sa industriya, sa training ng industry personnel, economic security ng production at creatives, bawas ng tax, mas maraming incentives,” sabi ni Grácio.

“‘Yung plunderers ang i-ban ninyo sa Senate.” dagdag pa niya.

Kinuwestiyon din nito ang dami ng mga politiko na mula sa showbiz industry na tila wala naman nagawa para sa industriya.

“Ke rami-rami nating kasama sa showbiz na nasa Senate at House, ano na nagawa nila para sa industriya at sa mga manggagawa sa industriya? Tapos, aanchahin ninyo ang KDrama?” sabi pa niya.

“Kung matitino lang sana, sa dami ng mga politiko natin na dating artista, matagal na sana nating naungusan ang South Korea.” dagdag niya pa.

Sa isa pang pahayag, sinabi ni Estrada na naimungkahi niya lang na ipagbawal ang K-Drama sa Pilipinas dahil sa nakikita niyang mainit na pagsuporta ng mga Pilipino sa gawa ng mga banyaga kaysa sa sariling atin.

“My statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the movie going public.” sabi ng senador.

“I have nothing against South Korea’s successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them. Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino.” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular