HomeCelebritiesChristine Reyes, ibinahagi na mayroon siyang 'inggit' sa puso dahil sa tinatawag...

Christine Reyes, ibinahagi na mayroon siyang ‘inggit’ sa puso dahil sa tinatawag siyang ‘unwanted child’ ng ina

Ibinahagi ng aktres na si Christine Reyes ang kanyang naging malungkot na karanasan noon siya ay anim na taong gulang pa lamang na naging dahilan upang magkaroon ito ng ‘inggit’ sa kanyang puso.

Sa isang panayam sa kanya, ibinahagi ni Christine na kahit siya ay isa ng matagumpay na aktres ay hindi parin nawawala sa kanyang isipan ang mga naging karanasan niya sa kamay ng kanyang namayapang ina na diumano’y itinuring siyang ‘unwanted’.

Ayon kay Christine ay ilang beses niyang narinig sa kanyang ina na hindi siya ginusto nito at hanggang ngayon ay dinadala parin niya ito.

liza florida christine.jpg
Larawan mula kay christinereyes/Instagram

I was told almost every night that I was unwanted.” kwento ni Christine.

Ibinahagi ito ni Christine sa podcast ni Liza Florida kung saan kinuwento niya rin kung paano niya nalaman na isa siyang ampon.

Kwento ni Christine ay nalaman niya noong anim na taong gulang pa lamang siya na hindi ang kinalakihan niyang mga magulang na si “Daddy Metring at Mommy Shirley” ang totoo niyang nanay at tatay.

Matapos nito ay kinuha na siya ng kanyang totoong ina.

screencap 2022 10 20 at 1.29.11 AM
Larawan mula kay christinereyes/Instagram

“So they sat me down, my Daddy Metring said… actually, it’s not him. It’s his wife Mommy Shirley. They told me, ‘You’re not our real child,’ I was shocked. I don’t even remember if I said something. I think I was in a state shock.” ani Christine.

“They said, ‘Your real mom is on the way here. The next thing I remember, there’s a lady entering the house. It was the first time I met her in my memory. I remember my mom pulling me out. I was holding my Daddy Metring tightly. In my head, ‘Don’t let me go! Don’t let me go!’ I was crying.” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay napansin niya na marangya ang buhay ng kanyang totoong ina at malaki ang bahay nito kumpara sa kanyang mga nakalakihang magulang.

screencap 2022 10 20 at 1.29.48 AM
Larawan mula kay christinereyes/Instagram

Ngunit pakiramdam diumano niya ay hindi siya welcome sa nasabing pamamahay.

Dito niya napagtanto na hindi talaga kaya ng kanyang totoong ina na alagaan siya at napagbubuntunan din siya nito ng galit.

Isa sa mga sinasabi lagi sa kanya ng kanyang tunay na ina na dapat ay hindi na lamang siya pinanganak sa mundong ito at ilang beses daw siya nitong ipinalaglag.

“I was very neglected at six years old. I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, You never should have been born.” aniya.

“I came from a very loving family, a happy environment. And then all of a sudden, my life changed.” dagdag niya pa.

Dahil sa kanyang karanasan ay hindi niya naiwasan na mainggit sa mga kaklase niya na nakikita niyang mahal ng kanilang mga ina.

“Even in school, whenever I see my classmates with their mom in school, ‘Oh, why is the kid with her mom?’ I see the mom taking good care of her child.” kwento niya.

“I’m so jealous. ‘Why does she have that and I don’t have it. I carried it in my career in the showbiz industry. They have their moms taking care of them. They have someone protect them in the business industry.” dagdag pa niya.

Naramdaman niya na hindi tama ang kanyang naiisip na inggit kaya’t sumailalim siya sa isang seminar upang matulungan ang sarili.

“Now, I’m realizing you can speak up. I can stand up for myself. I’m already 32 and I still have that in me wherein I can’t speak my mind. I can say no if I don’t want to. I wanna work on self-care. Yeah, I have this past. Yeah, I have a bad childhood. But you can always make a difference. You don’t have to carry it.” pagbabahagi niya.

Sa ngayon ay maituturing ni Christine ang kanyang sarili na ‘masaya’ kasama ang kanyang pamilya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular