HomeCelebritiesChito Miranda, mayroong tugon sa mungkahi ni Sen. Jinggoy na ipagbawal ang...

Chito Miranda, mayroong tugon sa mungkahi ni Sen. Jinggoy na ipagbawal ang K-Drama: “Earn the support. Di pwedeng sapilitan”

Nagbigay ng tugon ang bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda sa naging mungkahi ni Senador Jinggoy Estrada na ipagbawal ang pagpapalabas ng Korean Dramas sa Pilipinas.

Sa kanyang post, sinabi ni Miranda na kailangan mas galingan pa ng mga local artist sa paggawa ng kanilang mga likha upang makasabay sa mga banyaga.

Hindi rin diumano dapat gawing sapilitan ang pagsuporta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

“Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is.” ani Miranda.

“As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts. “Earn” the support. Di pwedeng sapilitan.” dagdag pa niya.

Matatandaan na nitong Oktubre 18 sinabi ni Estrada ang kanyang kontrobersyal na pahayag.

“Kapag patuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita ‘yung artistang Pilipino… Kaya minsan, pumapasok sa aking isipan na i-ban itong mga telenovela ng mga foreigner,” ani Estrada.

Nilinaw naman ng senador na wala siyang balak na tuluyan isulong ang pagbabawal ng Korean Drama sa bansa at ipinaliwanag nito na nasabi niya lamang ‘yon dahil sa kanyang pagkalungkot sa kakulangan ng suporta ng mga Pilipino sa local industry.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular