HomeNetizen's VoiceAbogado may mensahe kay Hidilyn Diaz matapos nitong ibulgar ang problema nito...

Abogado may mensahe kay Hidilyn Diaz matapos nitong ibulgar ang problema nito sa pondo: “Saan napunta ang kaperahan mo?”

Isang abogado ang kinuwestiyon ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos ibahagi ng weightlifter na nakakaranas muli siya ng problema sa pondo.

Sa kanyang Facebook post, pinaalala ni Atty. Nick Nañgit na madaming nakuhang salapi si Hidilyn noong nakamit niya ang unang gold para sa Pilipinas matapos ang 97 na taon nitong 2021 sa 55-kilogram weightlifting.

Hindi tuloy nakapagpigil magtanong ang abogado kung paano nagkaroon ng problema si Hidilyn sa kanyang pondo.

“Ang dami mo nang tinanggap na hindi kikitain ng pangkaraniwang mamamayan, tapos may problema ka pa rin sa pondo? Saan napunta ang kaperahan mo, at ano ba pinagkakagastusan mo? Kulang pa ba ang suportang pinansiyal na ibinibigay ng pamahalaan sa iyong training?” tanong ni Nañgit.

Sinabi rin nito na sana’y nakipag-usap muna ng pribado si Hidilyn sa Philippine Sports Commission (PSC) bago nito ibinalandra sa publiko ang kanyang problema.

Sa isang panayam, sinabi ni Hidilyn na naisip niya ng mag abono gamit ang kanyang natanggap sa pagiging gold medalist ng Pilipinas na umabot sa mahigit 31-M ngunit pumasok din sa kanyang isip ang kanyang magiging buhay pagkatapos ng kanyang karera bilang weightlifter.

“Iniisip kasi ng iba, ‘oo nga nanalo ka na ng gold. ‘Yung napanalunan mo ‘yun ang gagastusin mo.’ Pero siyempre pa’no ka makakapag-ipon para sa sarili mo, after ng career mo, paano na lang? Hindi siya sustainable kung ‘yung ipinanalo ko ang gagastusin ko,” aniya.

READ MORE: Hidilyn Diaz, ibinahagi na may problema muli sa pondo: “Hindi siya sustainable kung ‘yung ipinanalo ko ang gagastusin ko”

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Hidilyn sa mga opinyon ng netizens tungkol sa kanyang problema sa pondo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular