HomeCelebritiesPabuyang 6.5-M mapupunta sa pamilya ng suspek sa likod ng pagkasawi ni...

Pabuyang 6.5-M mapupunta sa pamilya ng suspek sa likod ng pagkasawi ni Percy Lapid

Hawak na ng mga otoridad ang diumano’y suspek sa pagkasawi ng komentarista na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.

Nitong Oktubre 18, sumuko sa mga otoridad ang suspek na ngayon ay nasa Camp Crame na upang iharap sa media.

Mapupunta naman diumano ang pabuya sa pamilya ng suspek dahil sa sila ang nagsuko dito.

READ MORE: Nagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid na kritiko ng mga Duterte, nasawi sa pananambang

percy lapid 2

Ayon sa suspek ay umabot sa P500,000 ang ibinayad sa kanya upang pataubin si Lapid.

Sinabi rin sa ilang ulat na natatakot ang suspek sa posibilidad na patahimikin siya ng nag-utos sa kanya.

Kalat narin sa social media ang kanyang mukha matapos siyang makunan ng CCTV kaya naman nag desisyon na siyang sumuko.

Nagkakahalaga ng P6.5-M ang makukuhang pabuya ng pamilya ng suspek kung ibibigay ito ng mga nag-ambagan na opisyal ng gobyerno at politiko.

Inaasahan naman na sasabihin ng suspek kung sino ang nag-utos sa kanya para tapusin ang buhay ni Lapid na kilala sa maanghang na pananalita nito.

Ang nangyari kay Lapid ay naging hudyat sa mga otoridad upang lalo pang paigtingin ang seguridad ng mga miyembro ng media.

Ngunit naging kontrobersyal din ang ilan sa mga ideya ng PNP na bisitahin ang mga mamamahayag sa kanilang tahanan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular