HomeCelebritiesBoying Remulla, pinuna ang tila madalas na report ng ABS-CBN tungkol sa...

Boying Remulla, pinuna ang tila madalas na report ng ABS-CBN tungkol sa anak niya: “Idinidiin nila masyado”

Hindi ikinatuwa ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang tila madalas na pagre-report ng nasabing istasyon tungkol sa pagkahuli ng kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III.

Nahuli si Remulla III matapos itong tumanggap ng ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng P1-M.

Nangako man ang nakatatandang Remulla na hindi ito mangingialam sa kaso ng kanyang anak ay hindi naman nito maiwasan na mapansin ang tila ‘pandidiin’ ng ABS-CBN tungkol sa isyu.

Tingin ni Remulla ay may galit sa kanya ang ABS-CBN dahil nga isa siya sa mga gumisa sa nasabing istasyon noong sinusubukan nitong kumuha ng prangkisa.

“ABS-CBN has been very ano… Sila talaga ang tumitira sa akin. Napakabigat po. Kasi nga siguro yung participation ko sa Congress noong ako’y congressman at nawala ang kanilang franchise, major part ‘yan,” ani Remulla.

“Every 20 minutes meron silang news flash tungkol sa… Parang ito na lang po ang nangyayari sa Pilipinas. May news flash sila, idinidiin nila masyado,” dagdag niya pa.

Hindi naman diumano apektado si Remulla ng ginagawa sa kanya ngayon ng ABS-CBN.

“Hindi naman ako napipikon kasi kabisado ko naman ‘yan,” aniya.

Matatandaan na ang ABS-CBN din ang isa sa mga unang media outlet na ipinakita ang mukha ni Remulla III sa publiko.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular