HomeCelebritiesBardagulan na! RJ 'Thinking Pinoy' Nieto, ibinulgar ang mga utang ni Maharlika...

Bardagulan na! RJ ‘Thinking Pinoy’ Nieto, ibinulgar ang mga utang ni Maharlika sa Amerika

Tila hindi na nakatiis ang blogger na si RJ ‘Thinking Pinoy’ Nieto sa mga pagpapatama diumano sa kanya ng kapwa pro-BBM na si ‘Maharlika’.

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Nieto ang diumano’y mga dokyumento mula sa korte kung saan sinisingil ng bankong Capital One ang isang nagngangalang Claire Eden Contreras na pinaniniwalaan na si Maharlika.

Ibinahagi ni Nieto ang ilang public documents kung saan ay sinisingil si Contreras sa hindi nito nabayarang credit card loan umabot na ng ng $8,722.32 o P513,639.98.

Dinagdagan pa ng korte ang babayaran ni Contreras ng $314.27 para sa ‘costs’.

screencap 2022 10 18 at 5.17.04 PM
Larawan mula kay Thinking Pinoy/FB

Dahil sa hindi ito nabayaran agad ni Contreras ay umabot na sa korte ang paniningil ng nasabing bangko.

Hindi naman sumunod sa summon ng korte si Contreras ayon sa nasabing dokyumento.

Nangako naman si Nieto na makakatanggap ng ‘background check’ mula sa kanya ang iba pang naninira sa kanya.

“Sana lang ‘yung mga nanlalait diyan na ‘dukha ang ibang tao’ siguraduhin niyo na mayaman kayo… Hindi ‘yung ganito pala na [may utang ka], wakwak ang credit score mo girl,” ani Nieto.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo ay nagsalita si Maharlika tungkol sa diumano’y ‘babaeng ahas’ sa loob ng Malacañang na hindi naman nito pinangalanan.

Naging usap-usapan din noon ang nasabing blogger matapos niyang batikusin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

READ MORE: Blogger na si Maharlika may banat kay Pangulong Duterte: Mukhang na-overdose na si Tatay

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Maharlika tungkol sa nasabing isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular