HomeCelebritiesSan Miguel Corporation, nagbigay ng tig P2-M sa naiwang pamilya ng limang...

San Miguel Corporation, nagbigay ng tig P2-M sa naiwang pamilya ng limang nasawing rescuer sa Bulacan

Nagbigay ang San Miguel Corporation (SMC) ng tig dalawang milyong piso sa naiwang pamilya ng limang bayaning rescuer na nasawi nitong Septyembre 26 sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa ilang larawan sa social media, makikita na mismong ang presidente ng SMC na si Ramon Ang ang personal na nag-abot ng tulong sa pamilya nila George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.

“Despite the dangers, they fulfilled their duty to help and save others. They are heroes. We cannot bring them back, but we can help fulfill their dreams for their families, and that is to help provide their loved ones a better life.” ani Ang sa kanyang pahayag.

ang 1
Larawan mula sa San Miguel Corporation/FB

Sobra naman ang pasasalamat ng pamilya ng mga nasawing rescuer sa negosyante.

Ayon sa kanila ay hindi nila inaasahan na may darating na tulong mula sa SMC.

“Sobrang pasasalamat po. Hindi po namin ine-expect po ito at sobra-sobra po itong natanggap namin mula kay RSA. Bata pa po ang mga anak namin kaya mahaba-haba pa po ang tatakbuhin,” ani Jessa Agustin, asawa ni Troy.

“Malaking pasalamat po para sa tulong na ilalaan ko para sa aming mga anak. Hindi naman po naming inaasahan ito na bibigyan po kami ni Mr. Ang kaya’t napakalaking pasasalamat po sa kanya.” sabi naman ni Minhah Bartolome, asawa ni Marby.

“Wala po kaming masabi kundi thank you. Nakakagulat po yung tulong na ibinigay sa amin ni Mr. Ang. Napakabukas palad nya na tao, wala po kaming masabi. Sa kanya po parang maliit na halaga lang ito pero para sa amin ay napakalaking tulong po ito,” wika naman ni Michelle Resurreccion, kabiyak ni Jerson.

five rescuers.webp

Nangako naman na tutulungan ng SMC ang mga kamag-anak ng bayaning rescuer na makapag negosyo.

“No amount of money can pay for the sacrifices made by our five heroes, but I am hopeful that the assistance would help ease the burden of their families during this difficult time and allow them to start over again,” sabi ni Ang.

“While they can immediately use the financial assistance for their family’s needs, our long term goal is to help them thrive through our community reselling program. Our business teams are ready to help them every step of the way to ensure that their ventures are successful and can sustainably provide for them,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular