HomeCelebritiesRR Enriquez, pabor na makipag-areglo na lamang si Vhong Navarro kay Deniece...

RR Enriquez, pabor na makipag-areglo na lamang si Vhong Navarro kay Deniece Cornejo

Pabor ang self-proclaimed ‘sawsawera queen’ na si RR Enriquez sa naging pahayag ng lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzalez na idaan na lamang sa ‘areglo’ ang kaso na isinampa ng apo niya laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni RR na posibleng may nangyayari sa pagitan ng kampo ni Deniece at Vhong kaya’t mas gusto na lamang ni Atty. Gonzalez na matapos na ang isyu.

“Ako, I would agree dun sa lolo ni Deniece. Imagine, lolo na ‘to ni Deniece ah, at lawyer din ‘to. Para pagsabihan niya na magkaayos na lang sila, ibig sabihin there’s something really happening, diba? May alam siya, charot,” ani RR.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Katulad ni Gonzalez, pabor din si RR na ayusin na lamang ng dalawang kampo ng pribado ang kanilang problema sa isa’t isa.

“Pero yun nga, dapat magkaayos na lang sila, kagaya nung last time na sinabi ko sa inyo, ang hirap magkaroon ng kaso. Ang hirap nung meron kang dinedemanda, tas ikaw rin may kaso ka rin, idedemanda ka nung dinedemanda mo. Kasi nga, mag-uubusan ng pera talaga kayo, hindi lang ubusan pera ang mangyayari dito. Yung stress ninyo, tapos yung takot ninyo, yung kaba ninyo na baka mamaya makulong ka or sino man yun,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Vhong kung bukas ba sila na makipag-areglo na lamang kila Deniece.

Kasalukuyang hawak parin ng NBI ang aktor at hindi pa malaman kung kailan ito maililipat sa kustodiya ng BJMP katulad ng hiling ng kampo ni Deniece.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular