HomeCelebritiesPaul Soriano, 'piso' lamang ang magiging sweldo bilang Presidential Adviser

Paul Soriano, ‘piso’ lamang ang magiging sweldo bilang Presidential Adviser

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakatalaga kay Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.

Nitong Oktubre 17, 2022 nanumpa si Soriano sa kanyang tiyuhin na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga at anak niya.

Ayon sa Office of the Press Secretary ay ‘piso’ lamang ang tatanggapin na sweldo kada taon ni Soriano.

Trabaho ni Soriano na magbigay ng payo kay Marcos at sa mga ahensya ng gobyerno kung paano nila magagawang mas epektibo ang pagpapakalat ng impormasyon sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Soriano (@paulsoriano1017)

“One of the greatest assets of the Filipino is our creativity, and we must find many ways to highlight that to the rest of the world. And that is what Paul Soriano has already been doing in his career as a filmmaker. And now we have asked him to help us at one peso per year,” ani Marcos.

Si Soriano ang humawak ng mga campaign advertisement ni Marcos noong nakaraang halalan kaya’t hindi maikakaila na malaki ang naging ambag ng direktor sa pagkapanalo ng pangulo.

Tinanggap niya naman ang pagiging presidential adviser dahil sa kagustuhan niya rin na pagsilbihan ang bayan.

“It’s an absolute honor to be able to serve, first and foremost, of course, for the country and then, of course, for the PBBM administration. It’s a passion of mine to just create and communicate. It’s an absolute honor that the President has trusted me with this position,” sabi ng direktor.

Matatandaan na inalok narin noon si Soriano na maging press secretary ngunit tinanggihan niya ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular