HomeCelebritiesKa Tunying sa mga Kakampink na nam-boycott sa restaurant niya: "Ayaw nyo...

Ka Tunying sa mga Kakampink na nam-boycott sa restaurant niya: “Ayaw nyo bang alisin ang pait sa puso nyo?”

Nagbigay ng mensahe ang mamamahayag at negosyante na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna sa mga ‘Kakampink’ na diumano’y nananawagan na i-boycott ang kanyang restaurant na ‘Ka Tunying’s’.

Matatandaan na nitong nakaraang mga Linggo ay nanawagan ang mga Kakampink na huwag tangkilikin ang mga negosyo ni Taberna matapos kampihan ng mamamahayag si Toni Gonzaga na nakakaranas din pambo-boycott sa mga netizens.

“IBOYCOTT ANG NEGOSYO NI TUNYING! Pakilista dito kung alin at saan. Tapos RT natin ng madaming beses at walang katapusan nang maramdaman ni Tunying ang epekto ng pambabalewala niya.” sabi ng isang netizen.

Ngunit noon pa lamang ay talagang mayroon ng mga nambo-boycott sa negosyo ni Tunying.

screencap 2022 10 18 at 4.11.48 AM

Nagbigay naman ng tugon si Taberna sa mga nambo-boycott sa kanyang restaurant at sinabi na hindi lamang ang mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo ang may kakayahan na makakain sa kanyang mga restaurant.

Ayon pa sa mamamahayag ay maaring makatulong pa sa kanyang negosyo ang pambo-boycott ng mga Kakampink.

“Grabe naman….Ano naman ang tingin mo sa mga hindi kakampink – gipit na gipit? Walang pambili? Eh di ikaw na ang may purchasing power!..Ang pagboycott bagamat sang lehitimong paraan ng protesta ay nakatutulong pa madalas sa ibinoboycott (kinacancel) na tao, organisasyon, kumpanya, produkto at iba pa.” sabi ni Taberna.

“Sa maikling salita, natutulungan yo pa yung inaaway nyo……. Ayaw nyo bang alisin ang pait sa puso nyo?” dagdag pa niya.

Niyaya na lamang niya ang mga Kakampink na pumunta sa kanyang restaurant at nangako ito na pagsisilbihan sila ng maayos.

“Halika at magkape tayo dito sa Ka Tunying’s…Pagkasarap ng Barako latte! Nakakagaan ng pakiramdaman pati na yung hibiscus tea. Saraaap! Puwede mo rin tikman ang aming egg pie, pampaalis umay! Pagsisilbihan kang maige ng staff namin na kapwa mo Kakampink pero masarap kasama.” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular