HomeCelebritiesJim Paredes, ini-report sa NBI ang isang netizen na nagpapakalat ng pribadong...

Jim Paredes, ini-report sa NBI ang isang netizen na nagpapakalat ng pribadong video ng mga matatandang lalaki sa Twitter

Ini-report ng legendary OPM artist na si Jim Paredes ang isang Twitter user na nagbebenta diumano ng mga pribadong video ng ilang matatandang lalaki na ang ilan ay Overseas Filipino Workers (OFWs) pa.

Sa nasabing tweet, makikita ang ibinahaging screenshot ni Paredes kung saan ay sinabihan nito ang Twitter user na nakareport na ito sa National Bureau of Investigation at sa National Telecommunications Commission (NTC).

“Nakareport a number mo sa NTC at NBI. At this very moment kausap namin so Commissioner Gamaliel Cordoba. Nagsamasama kami. Hintayin mo.” sabi ni Paredes.

Makikita naman ang paghingi ng paumanhin ng nasabing Twitter user.

Hanggang sa ngayon ay aktibo parin ang nasabing Twitter page.

jim 1

Nauuso ngayon sa ilang social media platform katulad ng Twitter at Telegram ang bentahan ng mga diumano’y pribadong larawan at videos ng mga indibidwal.

Matatandaan na noong 2019 ay naging biktima rin si Paredes ng mga indibidwal na nagpakalat ng kanyang pribadong video.

“The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work.”  ani Paredes.

Hindi naman malaman kung ang nasabing Twitter user ba ay ipinapakalat din ang nasabing video ni Paredes.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular