HomeCelebritiesJay Sonza sa mga mamamahayag na nagrereklamo sa pagbisita ng mga pulis:...

Jay Sonza sa mga mamamahayag na nagrereklamo sa pagbisita ng mga pulis: “Mayroon bang hindi dapat malaman ang mga pulis?”

Pumalag ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa reklamo ng ilang mga reporter tungkol sa diumano’y biglaang pagbisita sa kanila ng mga pulis.

Matatandaan na ilang mamamahayag ang nagreklamo gamit ang kanilang mga social media pages matapos silang bisitahin ng mga pulis na tinatanong kung mayroon din ba silang natatanggap na pagbabanta.

Nangyari ang supresang pagbisita ng mga pulis sa matapos ang pagkasawi ng kolumnista na si Percy Lapid.

READ MORE: GMA Journalist JP Soriano, inireklamo ang pagpunta sa kanya ng mga pulis: “Saan nila nalaman ang aming home address”

Ipinagtataka naman ni Sonza kung bakit tila natatakot ang ilang mamamahayag na mabisita ng mga pulis lalo na’t ang kagustuhan lamang ng mga otoridad ay protektahan sila.

“Buang din itong mga journo sa Kamaynilaan. Mananawagan ng proteksyon sa gobyerno, tapos kapag ginawa ng pamahalaan ang nararapat, kagaya ng background check ng pulis sa pamamahay at buhay nagagalit kayo.” ani Sonza.
“Natural pupuntahan at aalamin ng mga maykapangyarihan kung paano kayo tutulungan. The police will study how they can best protect you,” dagdag pa niya.
“Bakit sir/mam? Mayroon bang hindi dapat malaman iyong mga pulis tungkol sa mga skeleton in the closet ng mga reporter, announcer, news editors & producers? Takot ba kayong mabunyag kung may mamasan, sugar daddy, kabit o kulasisi; miyembro ng sindikato o kaya ay kaalyado pala ng mga komunista; bakla o tomboy pala sa totoong buhay; at iba pang milagro sa buhay?” sabi pa niya.
screencap 2022 10 18 at 2.28.12 AM
Sa ngayon ay mayroon ng libo libong reaksyo nsa social media ang nasabing post ni Sonza.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular