HomeCelebritiesAndrew Schimmer, sinisi ang nutritionist ng kanyang asawa matapos isugod muli sa...

Andrew Schimmer, sinisi ang nutritionist ng kanyang asawa matapos isugod muli sa ICU: “Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw”

Hindi naitago ng aktor na si Andrew Schimmer ang kanyang sama ng loob matapos isugod muli sa Intensive Care Unit (ICU) ang kanyang asawa na si Jho Rovero.

Ayon kay Schimmer ay isinugod muli si Jho sa ICU dahil sa mataas na lagnat at hindi maiwasan ng aktor na sisihin ang nutritionist ng kanyang asawa sa nangyari.

Nangyari ang insidente isang linggo matapos makauwi ng kanilang bahay si Jho.

Sa kanyang Facebook video, ipinaliwanag ni Andrew kung bakit niya sinisi ang nutritionist ng kanyang asawa.

“Paano namang hindi lalagnatin ‘yung tao? Can you imagine, ito ‘yung laman ng kidneys mo? Diyos ko, kawawa. Tingnan n’yo manas na manas ‘yung ano niya oh, kawawa naman,” ani Andrew.

“Saan po dadalhin ng pasyente ninyo itong 6 grams of sodium na ‘yan? Saan? Paki-explain naman. As a result, sobrang taas ng creatinine level niya ngayon. Tingnan n’yo naman, hirap na hirap ‘yung tao. Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Andrew na ‘negligence’ sa parte ng nutritionist ang nangyari.

“Recovery period na siya e. Because of that, tignan niyo guys, minamanas siya. Diyos ko, Panginoon, tulungan Niyo po kami. ‘Wag niyo pong pababayaan ‘yung asawa ko. Hindi niya po kasalanan ito, negligence itong nangyari sa kanya ngayon. Guys, tulungan niyo kaming magdasal ha, please. Kailangang-kailangan niya ng prayers ngayon.” wika pa niya.

Wala pang pahayag ang nutritionist ng aktor tungkol sa isyu.

Samantala ay inulan naman ng suporta ang aktor mula sa mga netizens.

Matatandaan na noong Nobyembre 24, 2021 ay ibinahagi ni Andrew na dinala sa ospital si Jho dahil sa severe ashtma na nag resulta sa hypoxia.

Umabot ng milyon milyong piso ang naging hospital bill nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular