HomeSocial Media'White Lady' nakunan diumano sa gitna ng isang basketball game sa Batangas

‘White Lady’ nakunan diumano sa gitna ng isang basketball game sa Batangas

Kinilabutan ang mga residente ng isang barangay sa Tayabas, Quezon Province matapos kumalat ang larawan ng isa diumanong ‘white lady’ na nagpakita sa gitna ng isang basketball game.

Nitong Oktubre 13, ibinahagi ni Michael John Ray Alago sa social media ang nasabing larawan na kuha sa liga na ginaganap sa kanilang barangay.

Ayon sa kanya ay kinuha niya ang nasabing larawan upang ipaalam sa kanyang asawa na nanonood lamang siya ng basketball.

white lady 1
Larawan mula kay Michael John Ray Alago/FB

“Hindi ko po sigurado kung tao po ‘yan o ano man. Basta sa akin po, nakunan ko lang ‘yan para ipaalam sa asawa ko na nasa court pa ako at nanonood,” sabi ni Alago.

Hindi rin diumano edited ang nasabing larawan at wala diumano siyang balak magpakalat ng maling balita.

Sinabi naman ni Alago na maaring napagkamalan lamang na ‘white lady’ ang nasa larawan at posibleng tao talaga talaga ito na nakasoot lamang ng puti.

312056032 5390772201021240 6046441413863329454 n
Larawan mula kay Michael John Ray Alago/FB

“Kayo na humusga baka po tao lang yan nakikinuod ng basketball,” aniya.

Wala pang pahayag ang mga paranormal expert tungkol sa nasabing larawan.

Isa ang ‘white lady’ sa mga pinakasikat na elemento na laging ibinabahagi sa social media lalo na kapag papalapit na ang Undas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular