HomeCelebrities'Mystikol' Mystica at Pambansang Kolokoy, nagsama para mag 'mukbang'

‘Mystikol’ Mystica at Pambansang Kolokoy, nagsama para mag ‘mukbang’

Ibinahagi ni Mystica sa kanyang social media page ang ‘mukbang’ nila ng kilalang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang si ‘Pambansang Kolokoy’.

Sa nasabing video, makikita ang kwentuhan at tawanan ng dalawa habang kumakain sa isang restaurant.

Hindi rin nakalimutan ni Mondina na tanungin si Mystica tungkol sa naging buhay at career nito.

Natuklasan din ng dalawa na pareho silang taga Ilocos Region kaya’t hindi nila pinalampas na mag usap ng Ilocano.

Ilang netizens naman ang tila nakikita na mayroong ‘chemistry’ sa pagitan ni Mondina at Mystica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mystica (@mysticarockdiva)

Ang ilan ay tinawag na ‘Mystikol’ ang tambalan ng dalawa.

“Bagay kau mag mukbang ni kolokoy,” sabi ng isang follower ni Mystica.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang ibinahaging video ni Mystica ang unang pagkikita nila ni Mondina.

READ MORE: Mystica, nagpakita ng interes kay Pambansang Kolokoy: “Payag ba kayo maging boyfriend ko siya?”

Nakaagaw ng pansin ang nasabing post lalo na’t kakahiwalay pa lamang ni Mondina sa kanyang asawa na si ‘Marites’ na dati niyang kasama sa kanyang mga content.

Sa ngayon ay mayroon ng 6,000 views ang nasabing video nila.

Hindi pa nililinaw nila Mystica kung ano na ang ‘status’ nila ng kilalang content creator.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular