HomeCelebritiesIce Seguerra, binalikan ang love team nila noon ni Spencer Reyes: "Inakbayan...

Ice Seguerra, binalikan ang love team nila noon ni Spencer Reyes: “Inakbayan ako, nasuntok ko siya,”

Sinariwa ng singer na si Ice Seguerra ang kanyang makulay na showbiz career noong siya ay si Aiza pa.

Sa panayam sa kanya ni ‘King of Talk’ Boy Abunda, ibinahagi ni Ice ang kanyang naging career matapos ang kanyang pagkapanalo sa Little Miss Philippines na isa sa mga segment ng top noontime show na Eat Bulaga.

Isa sa mga inalala niya ay ang kanyang pagiging teen star kung saan ay ipinares siya sa aktor na si Spencer Reyes.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


Ayon sa kanya ay noon pa lamang ay talagang alam niya na kung sino siya at umabot sa isang punto na napisikal niya si Spencer.

Lumabag kasi sa kasunduan nila si Spencer na hanggang ‘holding hands’ lang sila.

Hindi lang Tito Boy, inakbayan ako, nasuntok ko siya, si Spencer,” kwento ni Ice.

Nangyari ang insidente noong pino-promote nila ang kanilang pelikula na Computer Kobat noong 1997.

spencer 2

May kutob narin diumano si Spencer sa kanyang totoong pagkatao noon.

“Ay oo naman, alam niyang magkabatak kami.” sabi niya.

Hanggang ngayon diumano ay matalik parin silang magkaibigan ni Spencer na kasalukuyang naninirahan na ngayon sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.

“Ang nakakatuwa lang, he never judged me,” aniya.

Matatandaan na nagkita muli ang dalawa noong 2020 matapos silang itampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular