HomeCelebritiesGMA Journalist JP Soriano, inireklamo ang pagpunta sa kanya ng mga pulis:...

GMA Journalist JP Soriano, inireklamo ang pagpunta sa kanya ng mga pulis: “Saan nila nalaman ang aming home address”

Hindi maitago ng GMA journalist na si JP Soriano ang pag-aalala matapos siyang bisitahin ng mga hindi naka-uniporme na pulis sa mismong tahanan niya.

Nitong Oktubre 15, ibinahagi ni Soriano sa kanyang Twitter ang naging karanasan niya matapos bisitahin ng mga nagpakilalang pulis na gusto diumanong alamin kung may natatanggap siyang pagbabanta sa buhay.

“Isang nagpakilalang Pulis ang nagpunta sa aking private residence ngayon, nagpakita ng I.D. pero hindi naka uniform, Hinanap ako at maayos namang nagpakilala at sinabing inutusan daw sila ng #PNP para “kamustahin” ang mga journalists at kung may “threat” ba sa amin?” ani Soriano.

“Sila raw ay inutusan ng #PNP na “i-check” ang lagay ng mga journalist matapos daw ang nangyari kay Percy Lapid. Sinabi ko na wala naman threat sa akin or sa amin, tinanong kung pwede akong kuhanan ng picture for documentation and I politely declined.” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JP Soriano (@jpsoriano7)

Ayon kay Soriano ay hindi lamang siya ang journalist na napuntahan ng mga otoridad.

Kinuwestiyon naman ng mamamahayag kung paano nakuha ng PNP ang kanyang address.

“Isa po itong malinaw na paglabag sa Privacy Act, at kung nais talagang makipag coordinate ng  @pnppio to check on us, dapat ito ay ginagawa sa aming opisina, HINDI sa aming tahanan.” sabi niya.

screencap 2022 10 16 at 9.13.24 PM

Naglabas naman ng pahayag si NCRPO chief BGen Jonnel Estomo kung saan humingi ito ng paumanhin sa naging karanasan ni Soriano.

Nangako ito na iimbestigahan ang mga pulis ma bumisita kay Sorinao.

Ngunit nilinaw ni Soriano na hindi niya gugustuhin na maparusahan ang pulis na bumisita sa kanya dahil sa maaring sumusunod lamang ito sa utos sa kanya.

“Please kindly relay to the General na hindi ang police officer na nag punta sa bahay namin ang concern ko, he was just following orders I’m sure kaya please do not suspend/reprimand him. Ang issue ko hr is paano at saan nila nakuha ang home address namin?” sabi niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular