HomeCelebritiesArnell Ignacio, may paalala: Hindi bangko ang mga kamag-anak niyong OFW

Arnell Ignacio, may paalala: Hindi bangko ang mga kamag-anak niyong OFW

May paalala si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio sa mga kamag-anak ng mga nagtatrabahong Pilipino sa abroad.

Sa panayam sa kanya ng SMNI, ibinahagi ni Ignacio na huwag sanang tratuhin na parang ‘bangko’ ang mga OFW.

Ayon kay Ignacio ay dapat isipin din ng mga sinusuportahan ng mga OFW ang hirap ng pagtatrabaho sa abroad.

“Panawagan ko rin sa mga pamilya ng OFW, ‘yung inyo pong mahal sa buhay na nag-abroad na kumikita eh hindi ho ‘yan parang bangko na lagi na lang nating hihingan para doon sa bawat pangangailangan natin, na kung minsan ay hindi naman palaging napakahalaga. Lagi nating i-consider na mahirap ang trabaho abroad,” ani Ignacio.

“Pero unawain natin lagi na pagka ‘yan ay lagi na lang nating tinatawagan para sa pangangailangan, ang problema ay baka lalo siyang mapabagod sa kanyang trabaho,” dagdag pa niya.

Ayon sa isang datos ay nasa 1.77-M ang Pilipino na nagtatrabaho abroad.

Kadalasan na nagiging dahilan ng mga OFW na magtrabaho malayo sa kanilang pamilya ay ang mas malaking sweldo sa ibang bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular