HomeCelebritiesIna ni Jake Zyrus, humanga sa contestant ng isang noontime show: "May...

Ina ni Jake Zyrus, humanga sa contestant ng isang noontime show: “May papalit na kay Charice Pempengco”

Naniniwala si Raquel Pempengco, ina ni Jake Zyrus/Charice Pempengco na mayroon ng tatapat sa talento ng kanyang anak.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Raquel ang performance ng ‘Tawag ng Tanghalan’ contestant na si Mary Khem Cabagte na tinawag niya na ‘papalit’ kay Charice.

This is it! May papalit na kay Charice..” ani Raquel.

raquel 1
Larawan mula kay Raquel Pempengco/FB

May ilang netizens naman ang sinabi na iba parin diumano ang galing sa pag-awit ni Charice.

“Puwede mommy… kasing range ng voice ni Charice… Magaling din to. Pero mas powerful talaga si Charice… wala nang papalit…” sabi ng isang follower ni Raquel.

Nagbahagi din si Raquel sa Facebook post ng isang aral kung saan sinasabi niya na mas mahalaga ang pag-uugali ng isang tao kaysa sa talento nito.

“Kahit anong galing mo sa lahat kung wala kang “CONNECTION” at “RIGHT DECISION” wala din ang galing mo…Just a pieces of Advice sa lahat na nangangarap at nag uumpisa pa lang.” Always stay foot on the ground no matter how expensive shoes you wear,” ani Raquel.

“Yan ang sinabi ni OPRAH kay CHARICE nung nag uumpisa pa lang a.Pag inuna ang yabang? sabihin ko na sa inyo wala kayong patutunguhan.Just keep it to yourself na kung alm mong magaling ka. Sa nakikita at obserbasyon ko…hinde pa sikat feeling sikat na…Dami kong nakita na ganyan na di nag bloom ang career.….Basta pumili ng TAMANG TAO AT TAMANG CONNECTION.yun lang.….Real talk and Advice lang po..Based on my experience,” dagdag pa niya.

raquel 2
Larawan mula kay Raquel Pempengco/FB

Matatandaan na nag-viral sa social media si Jake matapos ibahagi ni Ogie Diaz ang diumano’y problema ng singer.

READ MORE: Nag 50-50! Jake Zyrus matagumpay daw na nai-revive matapos ilagay sa body bag dahil sa inakala na dedo na ito

Hindi naman ito kinumpirma o itinanggi ni Jake.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular