HomeCelebritiesBea Alonzo, hindi papatol kay Lolit Solis: "I will sincerely pray for...

Bea Alonzo, hindi papatol kay Lolit Solis: “I will sincerely pray for her healing”

Sa pambihirang pagkakataon ay nagsalita ang aktres na si Bea Alonzo tungkol sa pambabatikos na kanyang natanggap mula sa kolumnista at talent manager na si Lolit Solis.

Matatandaan na ilang buwan ng binabatikos ni Lolit si Bea sa social media.

Matapos ang ilang buwan na pananahimik ay naglabas ng pahayag ang talent manager ni Bea na si Shirley Kuan at ang GMA Network upang ipagtanggol ang aktres mula sa mga nambabatikos dito kasama na si Lolit.

Umalis na din si Shirley sa Philippine Artists Managers Inc. (PAMI) kung saan miyembro si Lolit.

Ngunit kung mismong si Bea ang tatanungin ay sinabi niya na ayaw niyang patulan si Lolit lalo na’t mayroon itong karamdaman.

Ayon sa kanya ay mas mainam na ipagdasal na lamang niya si Lolit na dumadaan na sa dialysis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“I will never reply because hindi ko naman nababasa what she writes about me. People just tell me about it. But I respect her so much, although we’ve never met, we’ve never been introduced or spoke to each other.” ani Bea.

“I heard she’s sick at lalo na akong hindi sasagot, dadalhin ko pa yan parang ang bigat-bigat. Let’s just stay positive. I will sincerely pray for her healing and for her to get well soon,”

Matatandaan na naglabas ng pahayag si Lolit nitong Oktubre 14 kung saan ay sinabi nito na ‘kinakawawa’ siya ng kampo ni Bea.

“May sakit na nga ako at matanda na, inaapi parin nila,” ani Lolit sa kanyang Instagram post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular