HomeCelebritiesVIP yan? Netizens, pumalag sa pagtatakip ng mukha ng anak ni Justice...

VIP yan? Netizens, pumalag sa pagtatakip ng mukha ng anak ni Justice Sec. Remulla

Pumalag ang ilang netizens sa lumabas na mugshot ni Juanito Jose Diaz Remulla III na anak ni Justice Secretary Boying Remulla.

Matatandaan na nahuli ang nakababatang Remulla ng mga miyembro ng PDEA nitong Oktubre 11 matapos itong tumanggap ng shipment na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.

Oktubre 13 lamang inanunsyo ng mga otoridad ang pagkahuli sa suspek na ikinatuwa naman ni Sec. Remulla.

Nitong Biyernes inilabas na sa publiko ang mugshot ni Remulla III ngunit hindi ito ikinatuwa ng mga netizens dahil sa hindi naman makita ang mukha ng suspek.

remulla 2

“Pag ordinaryong tao ang inaresto, nakabalandra ang mukha. Pag anak ng Sekretaryo, bawala makita?” tanong ni Fernan Angeles.

“Iba talaga kapag ma impluwensya tago tago lng mukha kapag ihaharap sa media ,kapag simpleng tao lang halos ingudngod na ang mukha sa kamera..” sabi naman ni Norberto Serafin Jr.

Samantala ay inilabas naman ng TV Patrol ang mukha ni Remulla III sa kanilang news report.

screencap 2022 10 14 at 9.16.36 PM

Wala pang paliwanag ang PDEA kung bakit nakatakip ang mukha ni Remulla III sa kanilang mugshot.

Humaharap ngayon sa paglabag sa RA 9165 ang suspek at walang piyansa na ibinigay para dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular