HomeCelebritiesMon Tulfo, inulan ng batikos matapos diumanong maliitin ang 'delivery boy' na...

Mon Tulfo, inulan ng batikos matapos diumanong maliitin ang ‘delivery boy’ na nagbibigay ng komento sa kanyang post

Inuulan ngayon ng batikos sa social media ang kolumnista na si Mon Tulfo matapos diumano nitong maliitin ang isang follower niya na nagbibigay lamang ng opinyon nito.

Nag-viral sa social media ang palitan ng komento sa pagitan ni Tulfo at ng delivery rider na sinabing kailangan mag resign ni Justice Secretary Boying Remulla dahil sa nangyaring pagkakahuli sa anak nito.

Ipinagtatanggol ni Tulfo si Sec. Remulla sa kanyang post at sinabi na dapat ay hindi ito mag-resign.

READ MORE: Panganay na anak ni DOJ Sec. Remulla, hinuli ng mga miyembro ng PDEA

“Di po siya ordinaryong tao, siya po ay Sec ng Justice, kaya dapat siya mag resign. Nakakahiya po iyan, sarili nyang anak di nya kayang malinis.” sabi ng netizen.

Nagbigay naman ng tugon si Tulfo na hindi nagustuhan ng libo libong netizens.

“Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito.” wika ni Tulfo.

Sumagot naman ang netizen at sinabi na kahit siya ay delivery rider lamang ay lumalaban siya ng patas sa buhay hindi katulad ng anak ni Remulla.

“Ramon Tulfo salamat po sir, salamat po sa ganun lang kaliit sa tingin ninyo naming mga anak ng mahirap ng patuloy kumakayod makaraos sa kahirapang aming tinatamasa. Lumalaban ng patas, hindi gaya ng anak ng Justice Secretary.” sabi ng delivery rider.

mon tulfo 1

Ibinahagi ni netizen Mark Rossimo ang nasabing palitan ng komento sa pagitan ni Tulfo at ng delivery rider na sa ngayon ay umabot na ng 38,000 shares.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Tulfo sa pambabatikos na natanggap niya sa mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular