HomeSocial MediaHidilyn Diaz, ibinahagi na may problema muli sa pondo: "Hindi siya sustainable...

Hidilyn Diaz, ibinahagi na may problema muli sa pondo: “Hindi siya sustainable kung ‘yung ipinanalo ko ang gagastusin ko”

Ibinahagi ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na humahanap siya ngayon ng mapagkukunan ng pondo para sa kanyang training bilang preperasyon sa 2024 Paris Olympics.

Sa panayam sa kanya, inamin ni Hidilyn na kulang ang pondo na ibinigay sa kanya para sa kanyang paghahanda at pagsubok na makakuha muli ng gintong medalya para sa Pilipinas.

Ayon sa kanya ay mahalaga na mayroon silang sapat na pondo bilang paghahanda sa 2024 Olympics.

“Kailangan ko ng team. Paano na ‘yung coaches ko sa likod? Hindi naman pwede na ibang coaches ang kasama ko na hindi ako kilala. Paano ‘yung pagkain ko? Nag-a-add ako ng weight. Nutrition really helps sa laro, tapos ‘yung sports psychologist. So kailangan ko ng team,” sabi ni Hidilyn.

Maliban sa daan daang libong ginagastos nila para makapunta sa iba’t ibang kompetisyon ay nagbabayad din si Hidilyn para sa mga coaches niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)

Naisip narin diumano ni Hidilyn na gamitin ang kanyang mga natanggap noong nanalo siya ng gintong medalya.

“Iniisip kasi ng iba, ‘oo nga nanalo ka na ng gold. ‘Yung napanalunan mo ‘yun ang gagastusin mo.’ Pero siyempre pa’no ka makakapag-ipon para sa sarili mo, after ng career mo, paano na lang? Hindi siya sustainable kung ‘yung ipinanalo ko ang gagastusin ko,” aniya.

Matatandaan na matapos ang 97 na taon ay nagkaroon ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics matapos maipanalo ni Hidilyn ang 55-kilogram weightlifting category noong 2021.

Bago siya manalo ng gintong medalya ay nag post din ito noon sa social media upang maghanap ng mga sponsors dahil sa kulang diumano ang natatanggap niyang tulong sa gobyerno.

Ito’y kahit na nakatanggap na ng milyon milyong piso ang weightlifter noong taon na ‘yon.

“Hirap na hirap na ako. I need financial support. Sa tingin niyo, okay lang, kaya. Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa, na maiuwi ang gold medal sa Olympics,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang Malacañang sa reklamo ni Hidilyn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular